^

Police Metro

Security agencies iimbestigahan sa mall robbery

Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatawag ng PNP-Supervisory Office for Security Investigation Agency (PNP-SOSIA) ang mga security agencies na nangangasiwa sa seguridad ng mall kaugnay ng naganap na pag-atake ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Martilyo gang na nanloob sa jewelry store ng mall sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi.

Sinabi ni Sr. Supt. Buenaventura Viray Jr., Deputy Chief ng PNP-SOSIA, pagpapaliwanagin at iimbestigahan nila ang Lambdan, Starforce, Blue Dragon at Link Security sa pagkukulang sa pagbibigay seguridad sa supermall at mga shoppers.

Unang -una na tinukoy ni Viray ang kakulangan sa seguridad kung paanong naipasok ng mga suspek ang ginamit nilang cal. 45 pistol sa nasabing mall.

Magugunita na noong Sabado, dakong alas-7:26 ng gabi nang umatake ang may limang suspek sa ground floor ng department store ng mall at pinasok at binasag ang salamin na pinaglalagyan na mga alahas ng  F and C at Jeweller Jewelry Store.

Bago ito ay nakunan sa CCTV camera dakong alas-7:04 ng gabi ang mga suspek na bumibili ng llave tubo sa ACE Hardware Store sa basement ng mall Building A na siyang ginamit sa pagbasag ng eskaparate.

Isa sa mga suspek ay nagpaputok pa ng cal. 45 pistol.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang pagnanakaw ng mga suspek na tumangay ng nasa 200 piraso ng sari-saring mga alahas bago tumakas na sumabay sa kumpulan ng nagpapanakbuhang nagsisipagpanik na mga shoppers.

Kasalukuyan na ring inaalam kung saang entry at exit ang ginamit ng mga suspek at sino ang nakatalagang security guard.

Sakali, anya na mapatunayang may pagkukulang alinsunod sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 5487 ang kinauukulang security agency ay papatawan ito ng kaukulang kaparusahan na sa unang offense ay magmumulta ng P 50,000.

Ang PNP SOSIA ang nangangasiwa sa pagbibigay ng lisensya sa mga security agency.

Sa kaso naman ng mga security guard ay isa hanggang 30 araw na pagkakasuspinde at pagsalang muli sa pagsasanay habang umiiral ang suspension order at ang ikalawang ‘offense’ ay makakansela ang lisensya ng kinauukulang security agency.

 

vuukle comment

BUENAVENTURA VIRAY JR.

BUILDING A

DEPUTY CHIEF

F AND C

HARDWARE STORE

IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS

JEWELLER JEWELRY STORE

LINK SECURITY

SECURITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with