MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa VeÂteÂÂrans Memorial MeÂdical Center ang isang 15-anyos na buntis na dalagita maÂtaÂpos itong masalpok haÂbang tumatawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na tinaguÂriang “killer highway†kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Ang biktima ay nakiÂlalang si Danica Balbuena, ng Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay tumatawid ang biktima sa nasabing highway patungo sa Commonwealth Market nang hindi nito napansin ang mabilis na pagdating ng isang Nissan X-trail (OIQ-777) na minamaneho ng isang Valeriano Ponce, 55.
Sa lakas nang pagkaÂsalÂpok ay tumilapon ang biktima ng ilang metro na una ang ulo na bumagsak sa kalye at nawalan ng ulirat na kung saan ay halos yupi ang unahan ng sasakyan.
Sa panig naman ni Ponce, tinatahak niya ang nasabing highway at pagsapit sa tapat ng palengke ay bigla umanong sumulpot ang biktima at hindi na niya ito naiwasan pa.
Hininto naman ni Ponce ang sasakyan at itinakbo sa naturang ospital ang biktima, subalit idineklara itong dead-on-arriÂval.
Ayon sa testimonya ng kinakasama ng biktima na buntis ito, subalit hindi matukoy kung ilang buwan na ang nasa siÂnaÂpupunan nito.