^

Police Metro

15-anyos na buntis patay sa ‘killer highway’

Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa Ve­te­­rans Memorial Me­dical Center ang isang 15-anyos na buntis na dalagita ma­ta­pos itong masalpok ha­bang tumatawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na tinagu­riang “killer highway” kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima ay naki­lalang si Danica Balbuena, ng Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay tumatawid ang biktima sa nasabing highway patungo sa Commonwealth Market nang hindi nito napansin ang mabilis na pagdating ng isang Nissan X-trail (OIQ-777) na minamaneho ng isang Valeriano Ponce, 55.

Sa lakas nang pagka­sal­pok ay tumilapon ang biktima ng ilang metro na una ang ulo na bumagsak sa kalye at nawalan ng ulirat na kung saan ay halos yupi ang unahan ng sasakyan.

Sa panig naman ni Ponce, tinatahak niya ang nasabing highway at pagsapit sa tapat ng palengke ay bigla umanong sumulpot ang biktima at hindi na niya ito naiwasan pa.

Hininto naman ni Ponce ang sasakyan at itinakbo sa naturang ospital ang biktima, subalit idineklara itong dead-on-arri­val.

Ayon sa testimonya ng kinakasama ng biktima na buntis ito, subalit hindi matukoy kung ilang buwan na ang nasa si­na­pupunan nito.

 

vuukle comment

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH MARKET

DANICA BALBUENA

KAUNLARAN ST.

MEMORIAL ME

NISSAN X

QUEZON CITY

SHY

VALERIANO PONCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with