MANILA, Philippines - Isang pillbox ang sumaÂbog sa loob ng University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon na ikinasugat ng dalawang katao naganap kahapon ng hapon.
Ang mga sugatan ay kinilaÂlang sina Reynaldo Natividad, 44, at Faustino Valencia, 38, kapwa empleyado ng Campus Maintenance Office (CMO) ng unibersidad.
Batay sa ulat, ganap na alas-3:00 ng hapon habang naghuhukay ang mga biktima sa lugar para pagkabitan ng street light ay bigla na lamang may sumabog at tinamaan sila sa katawan
Nagsasagawa ng paghuhukay ang dalawa sa lugar para pagkabitan ng street light buÂnga ng umano’y madalas na nangyayaring holdapan dito.
Sa pagsisiyasat positibong pillbox ang sumabog base sa mga shrapnel na nakuha mula dito, kung saan isang pyrotechnic display ang pulbura umanong ginamit dito.
Narekober din sa lugar ang mga piraso ng turnilyo, at mga maiitim na pulbura na tila buhangin na posibleng magkakasama sa loob ng pillbox.