^

Police Metro

Pillbox sumabog sa UP Diliman: 2 sugatan

Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang pillbox ang suma­bog sa loob ng University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon na ikinasugat ng dalawang katao naganap kahapon ng hapon.

Ang mga sugatan ay kinila­lang sina Reynaldo Natividad, 44, at Faustino Valencia, 38, kapwa empleyado ng Campus Maintenance Office (CMO) ng unibersidad.

Batay sa ulat, ganap na alas-3:00 ng hapon habang naghuhukay ang mga biktima sa lugar para pagkabitan ng street light ay bigla na lamang may sumabog at tinamaan sila sa katawan

Nagsasagawa ng paghuhukay ang dalawa sa lugar para pagkabitan ng street light bu­nga ng umano’y madalas na nangyayaring holdapan dito.

Sa pagsisiyasat positibong pillbox ang sumabog base sa mga shrapnel na nakuha mula dito, kung saan isang pyrotechnic display ang pulbura umanong ginamit dito.

Narekober din sa lugar ang mga piraso ng turnilyo, at mga maiitim na pulbura na tila buhangin na posibleng magkakasama sa loob ng pillbox.

vuukle comment

BATAY

CAMPUS MAINTENANCE OFFICE

DILIMAN

FAUSTINO VALENCIA

ISANG

NAGSASAGAWA

NAREKOBER

REYNALDO NATIVIDAD

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with