MANILA, Philippines - Nagbabala ang pulisya sa publiko na sumasakay sa mga taxi upang hindi sila maÂbiktima nang pagtangay ng kanilang gamit tulad na nangyari sa dalawang pasahero kamakalawa sa Pasay City.
Nasa kabuuang P43,000 ang halaga ng mga gamit na nakalagay sa kanilang bagahe ang natangay sa mga biktimang sina Andrei Baltazar, 23, quality auditor, residente ng Vizcarra St., Malibay at nurse na si Grace Vargas, 23 ng Sta. Isabela St., Maricaban.
Batay sa ulat, sumakay ang dalawang biktima sa pila ng taxi sa Trinoma Mall sa Quezon City at dumating pasado alas-10:00 ng gabi sa Andrew Avenue, Pasay City.
Unang bumaba ng sasakÂyan si Vargas upang kunin ang kanilang bagahe sa comÂpartment ng taxi na may plakang UGV-274 habang nagbabayad ang kasaÂmang si Baltazar.
Matapos makapagbayad, bumaba na rin si Baltazar at inutusan ang driver na buksan ang compartment, subalit pinaharurot ng driver ang taxi patungong EDSA.