MANILA, Philippines - Sinunog ng mga otoridad ang P3.8 milyon halaga ng marijuana na nasamsam kamakailan ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa serye ng raid sa Kibungan, Benguet.
Ang nasabing bulto ng marijuana ay nasamsam umpisa noong Biyernes (Enero 25) ng pinagsanib na elemento ng Benguet CIDG at Philippine Drug Enforcement Agency sa magkakahiwalay na marijuana eradication operations sa Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.
Nasa 13 taniman ng marijuana ang sinalakay sa Sitios Ampana, Baukok at Sagilip; pawang sa Brgy. Badeo , Kibugan ng lalawigan na sumasakop sa may 2, 677 hektaryang taniman.
Sa Sitio Ampana, nasa apat na taniman ang ni-raid na nasa 1,050 metriko kuwadradong plantasyon at nakuha mula dito ang 4,200 puno ng marijuana at 600 binhi ng marijuana.