MANILA, Philippines - Minomonitor na ng Department of Health ang lalawigan ng Villareal, Samar, maÂtapos maÂkapagtala ng 535 na positibo sa sakit na chikungÂgunya.
Ang chikunggunya fever ay isang uri ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na may senyales na katulad ng mga nakikita sa dengue fever maliÂban lang sa pagdurugo ngunit hindi naman umano malaki ang posibilidad na mamatay ang taong nagpositibo sa naturang sakit.
Nabatid sa report ni Bryant Labastida, information officer ng DOH Region 8, umaabot na sa pitong barangay ang apektado ng chikunggunya.
Gayunpaman, pinayuhan ng DOH ang mga residente sa Samar na mag-fogging at pag-ibayuhin ang paglilinis sa panahon ng tag-ulan upang malipol ang mga lamok na nagdadala ng naturang sakit.