^

Police Metro

Chikunggunya outbreak sa Samar

Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Minomonitor na ng Department of Health ang lalawigan ng Villareal, Samar, ma­tapos ma­kapagtala ng  535 na positibo sa sakit na chikung­gunya.

Ang chikunggunya fever ay isang uri ng sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na may senyales na katulad ng mga nakikita sa dengue fever mali­ban lang sa pagdurugo ngunit hindi naman umano malaki ang posibilidad na mamatay ang taong nagpositibo sa naturang sakit.

Nabatid sa report ni Bryant Labastida, information officer ng DOH Region 8, umaabot na sa pitong barangay ang apektado  ng chikunggunya.

Gayunpaman, pinayuhan ng DOH ang mga residente sa Samar na mag-fogging at pag-ibayuhin ang paglilinis sa panahon ng tag-ulan upang malipol ang mga lamok na nagdadala ng naturang sakit.

BRYANT LABASTIDA

DEPARTMENT OF HEALTH

GAYUNPAMAN

MINOMONITOR

NABATID

SAKIT

SAMAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with