MANILA, Philippines - Nagpalitan nang maaanghang na salita ang kampo ng Liberal Party (LP) at United Nationalist Alliance (UNA).
Matapos na magbabala si UNA Secretary General Navotas Rep. Toby Tiangco kay Pangulong Noynoy Aquino na masisira ang kanyang pangaÂlan sa “Sipsipolitics†na LP stalwart na si Eastern Samar Rep. Ben Evardone.
Hinamon naman ni Evardone ang UNA na tigilan na ang pang-iintriga at makontento na lamang ito sa pahayag ng Pangulong Aquino na tiwala pa rin siya kay Vice President Jejomar Binay.
Ang hamon ng UNA kay Evardone ay tingnan muna ang sarili gayung siya ang nagpapalit-palit ng katapatan sa pulitika, bago akusahan ang UNA.
Sa panig naman ni Evardone, nais lamang umano nila na malaman kung ano ang tunay na posisyon ng UNA kung sila ay oposisyon o hindi.