MANILA, Philippines - Nasa 5.1 na lindol ang yumanig sa bahagi ng Davao Oriental sa rehiyon ng Mindanao, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS), nakaramdam ng pag-uga sa naturang lugar dakong ala-1:31 ng madaling araw.
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa 202 kilometro sa Timog silangan ng Mati Davao Oriental. Tectonic ang origin nito ay may lalim na 112 kilometro.
Naramdaman ang intensity 2 na lindol sa Manay, Davao Oriental.
Wala namang naiulat na pinsala, pero inaasahan pa din ang aftershocks sa nasabing lindol.