PNP pinagpapaliwanag sa sunud-sunod na krimen

MANILA, Philippines - Bunsod ng sunod-sunod na krimen na nagaganap sa bansa, kaya pinagpapaliwanag ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Nababahala si Comelec Chairman Sixto Brillantes  Jr. sa kaliwa’t-kanan nagaganap na krimen sa bansa sa kabila ng pinatutupad na election gun ban.

Tinukoy ni Brillantes  ang  panghoholdap na naganap sa isang jewelry shop  sa SM Megamall, ang pagpaslang kay Mayor Erlinda Domingo ng Maconacon, Isabela na naganap sa Quezon City at ang pananambang sa La Cas­tellana, Negros, Occidental na ikinamatay ng 9 na indi­biduwal.

Pinaliwanag ng poll chief na malaki pa rin ang kum­piyansa niya sa pambansang pulisya na nagagampanan  ang kanilang tungkulin ngunit nais lamang umano niya na matiyak na maging payapa ang gaganaping halalan sa bansa sa darating na buwan ng Mayo.

 

Show comments