MANILA, Philippines - Matutuldukan na umano ang nagaganap na smugÂgling ng ibat-ibang produkto sa bansa dahil sa pagiging high tech at pagpapatupad ng computerization program sa Bureau of Customs (BoC) na magpapabilis na rin ng daloy ng serbisyo sa publiko.
Ayon kay BoC Comm. Ruffy Biazon, ang pagbabaÂgong ito sa aduana ay bunga ng pagsisikap ng kanyang tanggapan.
Aniya, hindi na kailaÂngang magtungo ng personal ang mga broker sa tanggapan ng BoC para mag-follow-up sa kanilang mga transaksiyon dahil maaari ng makipagtransaksiyon o mag-follow-up sa internet sa pamamagitan ng paggamit ng computer.
Nabatid, na iki-click o pupunta lamang ang isang individual sa website ng BoC at sa pamamagitan nito ay malalaman na nila ang status ng kanilang transaksiyon.
Sinabi ni Biazon, sa paÂmamagitan ng makabagong teknolohiyang pinatutupad ng ahensiya ay mas maÂgiÂging pabor ito sa mga broÂker o sa mga taong may transaksiyon sa BoC dahil hindi na sila maaabala at hindi pa sila mapapagod na magpunta sa naturang tangÂgapan at maiwawasan rin ang “lagayan systemâ€.
Layunin din ng compuÂterization program na pinaÂtutupad ng BoC na tuluyan ng mawala ang mga fixer at ilang tiwaling gawain sa ahensiya at tuluyan ng ring matuldukan ang pamamaÂyagpag ng mga smuggler sa aduana na nagbibigay ng sakit ng ulo sa BoC.
Ang pagiging high tech ng BoC ay ilan lamang sa layunin ni Biazon upang linisin ang tanggapan at pagandahin ang imahe nito sa mata ng publiko.
Ang makabagong sisÂteÂma ay pinatutupad na sa Manila International ConÂtainer Port (MICP) sa MayÂnila at ayon pa kay Biazon ay ipatutupad na rin ito sa iba pang major ports ng bansa.