^

Police Metro

BOC high tech na: Smuggling tutuldukan

Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Matutuldukan na umano ang nagaganap na smug­gling ng ibat-ibang produkto sa bansa dahil sa pagiging high tech at pagpapatupad ng computerization program sa  Bureau of Customs (BoC) na magpapabilis na rin  ng daloy ng serbisyo sa publiko.

Ayon kay BoC Comm. Ruffy Biazon, ang pagbaba­gong ito sa aduana ay bunga ng pagsisikap ng kanyang tanggapan.

Aniya, hindi na kaila­ngang magtungo ng personal ang mga broker sa tanggapan ng BoC para mag-follow-up  sa kanilang mga transaksiyon dahil maaari ng makipagtransaksiyon o mag-follow-up  sa internet sa pamamagitan ng paggamit ng computer.

Nabatid, na iki-click  o pupunta  lamang ang isang individual sa website ng BoC at sa pamamagitan nito ay malalaman na nila ang status ng kanilang  transaksiyon.

Sinabi ni Biazon, sa pa­mamagitan ng makabagong teknolohiyang pinatutupad ng ahensiya ay mas ma­gi­ging pabor ito sa mga bro­ker o sa mga taong may  transaksiyon sa  BoC dahil hindi na sila maaabala at hindi pa sila mapapagod na magpunta sa naturang tang­gapan at maiwawasan rin ang “lagayan system”.

Layunin din ng compu­terization program na pina­tutupad  ng  BoC na tuluyan ng mawala ang mga fixer at ilang tiwaling gawain sa ahensiya at tuluyan ng ring matuldukan ang pamama­yagpag ng mga smuggler sa aduana na nagbibigay ng sakit ng ulo sa BoC.

Ang pagiging high tech ng BoC ay ilan lamang sa layunin ni Biazon upang linisin ang tanggapan at pagandahin ang imahe nito sa mata ng publiko.

Ang makabagong sis­te­ma ay pinatutupad na sa Manila International Con­tainer Port (MICP) sa May­nila at ayon  pa kay Biazon ay ipatutupad  na rin ito  sa iba pang major ports ng bansa.

 

ANIYA

AYON

BIAZON

BOC

BUREAU OF CUSTOMS

MANILA INTERNATIONAL CON

RUFFY BIAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with