MANILA, Philippines - Dedo ang isang mister makaraang tadtarin ng saksak ng isang hindi pa nakikilalang suspek na kanyang nakasalubong habang ang biktima ay naglalakad pauwi sa kanilang tahanan sa Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si GremeÂnio Eleuterio Salazar Jr, 51-anyos nakatira sa Blk. 14, Lot 5, Phase 1 Abot Kamay, Barangay Langkaan 1 sa lungsod.
Batay sa imbestigayon ni PO3 Aron AbeÂsaÂmis may hawak ng kaso, ganap na ala-1:30 ng madaling-araw ng matagpuan ang duguang katawan ng biktima na tadtad ng saksak at nakaÂhandusay sa nasabing lugar.
Ayon sa report, naglaÂlakad ang biktima na pauwi sa kanilang tahaÂnan nang makasalubong ang isang lalaki at walang sabi-sabing pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Matapos ang insidenÂte ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang patalim na ginamit sa krimen.
Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng ginawang pagpatay sa biktima at upang madakip ang salarin.