^

Police Metro

Kelot inutas ng 2 kainuman

Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nakatarak pa sa ka­nang dibdib ang patalim nang madiskubre ang isang bangkay ng lalaki na sinasabing kagagawan ng kanyang da­lawang nakainuman sa Quezon City. kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakila­la sa alyas na “Alex Dimple” may-edad na 35-40, may taas na 5’4, may kaitiman ang balat, maikli ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt at kulay brown na short pants.

Nakita ang bangkay ng biktima sa kahabaan ng Commonwealth Ave­nue, malapit sa Commonwealth Market, ganap na alas-7:30 ng gabi.

Isang concerned citi­zen ang nakakita sa biktima habang duguang na­kahandusay sa lugar at agad na ipinabatid ito sa security officer ng palengke na agad namang tumawag ng awtoridad.

Sa follow-up operation ng grupo ni SPO1 Danilo S. Espara ng Batasan Police Station ay nadakip ang dalawang suspek na kinilalang sina Eddie Villanueva, 40 at Bernard Casue, 35; kapwa ng Brgy. Commonwealth.

Lumalabas sa imbesti­gasyon, bago ang insiden­te ay masaya umanong nag-iinuman ang biktima at mga suspek sa loob ng palengke hanggang sa tu­magal ay nagkaroon ng pag­­tatalo.

Sa kainitan ng pagta­talo ay tumakbo umanong papalayo ang biktima pero hinabol pa ito ng mga sus­pek at nang abutan ay sinaksak ito at iniwan pang na­katarak ang pa­talim sa katawan ng bik­tima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ra­tions (SOCO) tatlong tama ng saksak mula sa may 10 pulgadang haba ng patalim ang natamo sa katawan ng biktima na siyang agad na ikinamatay nito.

 

ALEX DIMPLE

BATASAN POLICE STATION

BERNARD CASUE

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH MARKET

DANILO S

EDDIE VILLANUEVA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with