MANILA, Philippines - Dawit din sa ibang kaso ng patayan sa Quezon City, ang naarestong gunman ni Maconacon Mayor ErlinÂda Domingo.
Ayon kay SPO4 LeoÂnardo “Ding†Pasco, hepe ng Investigation Unit ng Quezon City Police District, lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na sangkot din sa ibang kaso ng patayan ang suspek na si Marsibal Indaman “Bagwis†Abduhadi, 39 na naaresto nitong SaÂbado ng madaling-araw sa kanyang hide-out sa Barangay Culiat sa lungsod.
Sinabi ni Pasco, kinilala ng ilang saksi sa apat na magkakahiwalay na krimen si Bagwis na kabilang sa insidente ng pananambang sa isang babae, isang pulis at dalawang sibilyan na nagyari noong nakaraang taon.
Giit ni Pasco, malaki ang posibilidad na isang ‘hired killer member’ si Bagwis na itinuro ng ilang testigo na siya ang bumaril kay Mayor Domingo.
Nadakip si Bagwis kasama ang live-in-partner nito na si Jennifer de Guzman habang naghaÂhanda sila sa ‘pagtira’ ng ipinagbabawal na shabu.
Nakuha mula sa suspek ang isang Intratech submachine gun na may dalawang magazines na puno ng bala ng 9-mm, isang caliber .25, at dalawang granada, bukod pa sa apat na sachet ng shabu, cocaine at marijuana.
Sasampahan ngayon ng patung-patong na kaso si Bagwis, kabilang na ang murder dahil sa pagpatay kay Mayor Domingo, illegal possession of firearms and ammunition and explosives, possession of illegal drugs at possession of drug paraphernalia, illegal na paggamit at pagsusuot ng PNP uniform.
Magugunitang si MaÂyor Domingo ay binaril at napatay sa labas ng Park Villa Apartelle sa panulukan ng Examiner Street at Quezon Avenue noong Martes ng gabi, habang sugatan naman ang driver bodyguard nitong si Bernard Plasos na tinamaan sa kanang hita.
Ayon naman kay InsÂpector Elmer Monsalve, hepe ng homicide section ng Criminal Investigation and Detection Unit, nagawa nilang i-double-check ang pagkatao ni Bagwis kay Jaymar Waradji, isa sa mga suspek sa kaso ng pagpatay sa modelong si Julie Ann Rodelas at nakatira din sa Salaam Mosque compound.