Gigi nag-sorry kay Cayetano
MANILA, Philippines - Isang sulat na humihingi ng tawad ang ipinadala kahapon ng Chief of Staff ni Senate President Juan Ponce-Enrile na si Atty. Jessica “Gigi†Gonzales Reyes kay Senate Minority Leader Alan Peter CaÂyetano dahil sa mga masasakit na pahayag nito sa isang panayam sa radyo noong nakaraang Lunes.
“I profusely apologize to the Hon. Senator and Minority Floor Leader, Alan Peter Cayetano for my disrespectful and offensive statements and overbearing tenor as I was interviewed on DZMM Teleradyo last Monday, January 21, 2013,†sabi ni Atty. Reyes sa kanyang sulat.
Inamin ni Reyes na nagkamali siya ng tawagin lamang niyang “Alan†ang senador lalo pa’t isa itong halal ng taumbayan.
Aminado si Reyes na dahil sa haba na ng pagta-trabaho niya sa Senado na umaabot na sa 25 taon natatawag niya sa “first-name basis†ang ilang senador, pero nangyayari lamang ito sa mga pribadong pag-uusap.
Inamin din ni Reyes na nagkamali siya at nakagawa ng isang “serious ethical breach†ng tawagin niyang ipokrito ang ilang senador.
Ipinaliwanag ni Reyes na naging emosyonal lamang siya matapos marinig ang panayam sa radyo kay Cayetano na parang ang tanging sinasabi lamang nito ang katotohanan.
Matatandaan na nadamay ang pangalan ni Reyes sa privilege speech ni Cayetano noong nakaraang Miyerkules kung saan kinuwestiyon din nito ang kapangyarihan ni Reyes sa Senado.
Ang mga sinasabi ni Cayetano sa live at on air interview pero sarili at “spontaneous reaction†na reaksiyon niya ang mga katagang “they are hypocrites†ng hingan siya ng huling salita.
Samantala, sinabi naman ni Cayetano na hindi pa niya nababasa ang sulat ni Reyes na una ng ini-email sa media, pero walang dahilan para hindi niya tanggapin ang apology nito.
- Latest