Transparency sa buwis ng mining firms hiniling
MANILA, Philippines - Ilantad nang buo ang binabayarang buwis ng mga kompanya sa pagmimina upang matiyak ang masinop na paggamit ng mga yamang mineral ng bansa.
Ito ang panawagan ng Extractive Industries Transparency Initiative (EITI), isang koalisyon ng iba’t ibang gobyerno, mga kompanya, civil society groups, investors at mga pandaigdigang organisasyon, sa pamahalaan ng Pilipinas
Ayon kay Atty. Doris Gasgonia, opisyal ng EITI na sa mahinang pamamahala at kakulangan ng transparency ay hindi natatamo ng mga bansang mayaman sa pinagkukunan ang resulta o bunga ng paghuhukay sa kanilang mga yamang mineral at may 18 bansang kasalukuyang tumutugon sa patakaran ng EITI ngunit wala mula sa Asya.
Kandidato ang Indonesia na mapasama sa listahan pero may kukumpletuhin pang paÂngangailangan at wala ang Pilipinas kahit sa listahan ng mga kandidato.
Sinuportahan naman ni Sagittarius Mines, Inc. (SMI) general manaÂger Mark Williams ang panawagan ng EITI na pandaigdigang istandard sa promosyon ng transparency sa revenue payments mula sa sektor ng resources.
Ang SMI ang kinonÂtrata ng gobyerno para sa panukalang $5.9 billion Tampakan Copper-Gold Project sa South Cotabato na tinataÂyang mag-aambag ng P250 bilyong buwis sa gobyerno sa loob ng 17 taong operasyon na kung maaaprubahan ang proyekto magsisimula ang tatlong taong consÂtruction phase nito sa 2015 na mangangailaÂngan ng hanggang 10,000 manggagawa.
- Latest