^

Police Metro

Pinoy drug mule kinasuhan sa DOJ

Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -Isang Pinoy drug mule na galing Hong Kong na naaresto kamakailan ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa tangkang pagpupuslit ng multi-milyong halaga ng shabu sa bansa ang pormal na kinasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ) ni Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Kinasuhan ng paglabag sa Section 3601 and  Section 2530 of the  Tariffs and Cus­toms Code of the Philippines (TCCP) at Comprehensive Dangerous  Drug act of 2002 ang suspek na si Rosendo B. Ariata.

Batay sa ulat ni Biazon, na si Ariata ay sakay ng Philippine Airlines Flight PR 307 at nadakip ng kanyang mga tauhan noong  Enero 8 ng taong kasalukuyan sa NAIA, Ter­minal 2 matapos itong ma­kumpiskahan ng 7.0486 kilong methampethamine hydrochloride mas kilala sa tawag na shabu, na nag­kakalaga ng P56 milyon na nakalagay sa 7 kahon ng pow­dered milk.

Ang BoC ay nakaaresto na ng 7 dayuhan ng drug cou­rier sa loob lamang ng third quarter ng taong 2012 at umaabot sa 20 kilong shabu na may halagang P163 mil­yon ang nakumpiska.

ARIATA

BUREAU OF CUSTOMS

CODE OF THE PHILIPPINES

COMPREHENSIVE DANGEROUS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DEPARTMENT OF JUSTICE

HONG KONG

ISANG PINOY

ROSENDO B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with