MANILA, Philippines - Nakatakda nang sampahan ng kasong admiÂnistratibo sina P/Supt Hansel Marantan (iniliÂpat na kahapon sa PNP GeÂneral Hospital mula sa St. Lukes Hospital Global City) at 21 opisyal at tauhan na sangkot sa madugong shootout na pinagdudaÂhang rubout na ikinasawi ng 13 katao noong Enero 6 sa Atimonan, Quezon.
Sa pulong balitaan, inihayag kahapon ni PNP Chief Director GeÂneral Alan Purisima na inapruÂbahan na niya ang reÂkoÂmenÂdasyon ni P/Director Alexander Roldan, Inspector General ng PNP Internal Affairs Service na isulong ang kasong administratibo laban sa naÂturang mga pulis.
Bukod kay Marantan, kinasuhan din sina P/Supts. Ramon Balauag; Valeriano de Leon P/CInsp Grant Gollod; P/SI John Paulo Vivas Carrcedo; P/Insps. Timoteo Orig; Ferdinand Aguilar; Evaristo San Juan; SPO3 Joselito Q, De Guzman; SPO1s Claro L Cataquiz Jr.; Arturo Comia Sarmiento; PO3s Eduardo L. Oronan; Benedict Dimayuga; PO2s Nelson Pindal; Al Bhazar K Jailani; Ronnie Serdena; Esperidion Corpuz, PO1s Wryan B. Sardea; Rodel Talento; Allen C Ayobo; Espeidion L. de Leon, at P/Chief Supt James Melad.
Ang nasabing mga pulis ay isinasailalim sa restrictive custody sa Camp Crame upang mabilis ang mga itong maiharap habang gumugulong na ang proseso ng kasong administratibo laban sa mga ito.
Sa kaso naman nina Melad at De Leon, sinabi ni Purisima na inatasan na niya ang PNP Internal Affairs Service upang kumuha ang mga ito ng ‘presidential clearance’ para sa pre charge investiÂgation sa ilalim ng ‘command responsibility’ sa naÂsabing kaso.
Ipinaliwanag ni Purisima na ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa nasabing mga opisyal ay bahagi ng proÂseÂsong administratibo na isinasagawa ng PNP upang maisaayos ang mga pagkakamali at pagkukulang sa isinasagawang mga operasyon.
Kabilang dito ay wala sa hurisdiksyon ng Atimonan Police ang Plaridel, Quezon kung saan nakalatag ang unang checkpoint ng grupo nina Marantan may 5 metro ang layo sa pinangyarihan ng shootout sa Maharlika highÂway sa Atimonan, QueÂzon; ikalawa ay hindi naÂkasuot ng uniporme ang 15 sa mga pulis at ikatlo ay ang mga dapat bumuo sa nasabing operasyon.Ang panghuli ay walang marked vehicle sa ikalawang checkpoint.
Aminado naman si PuÂrisima na nalagay sa “bad light†ang buong organiÂsasyon ng PNP bunga ng Atimonan shootout.