^

Police Metro

Pulitika sinisilip sa pagpatay sa Isabela Mayor

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatutok ang Phi­lippine National Police (PNP) sa anggulong may bahid pulitika ang motibo ng pamamaslang kay Maconacon, Isabela Mayor Erlinda Domingo sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Inihayag ni PNP Spo­kesman Chief Supt. Ge­neroso Cerbo Jr., dahi­lan pulitikong tao si Domingo ay maaring maikonsidera ito na kabilang sa mga kaso ng Election Related Violence (ERVI) habang patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon sa tunay na motibo ng krimen na ikinasawi ng mayor at pagkasugat ng driver nitong si Bernard Pasos, 36-anyos.

Magugunita, bandang alas-8:00 ng gabi habang ang alkalde at driver nito ay kababa lamang sa kanilang sasakyan na Mitsubishi Adventure (SJA-893) sa Park Villa Apartelle sa kaha­baan ng #81 Examiner St. Malapit sa panulukan ng Quezon Avenue, Brgy. West Triangle  ng lungsod.

Habang ibinababa ang kanilang bagahe ay big­lang sumulpot ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at isa ay bumaba at pinutukan sa likurang bahagi ng ulo ang mayora na agad na ikinasawi nito.

Nang makita ni Plasos ang walang buhay na katawan ng biktima ay tinangka nitong habulin ang mga suspek pero ma­ging siya ay pinaputukan at tinamaan sa kanang hita. 

Arestado naman sa follow-up operation ng Quezon City Police District ang mga suspek na sina  Christian Pajenado, Mic­hael Domingo at Mary Grace Abduhadi, misis ng  gunman na si Marsibal Abduhadi alyas Bagwis; isang alyas Khalid at isang Ryan Santiago na tinutugis ng pulisya.

vuukle comment

BERNARD PASOS

CERBO JR.

CHIEF SUPT

CHRISTIAN PAJENADO

DOMINGO

ELECTION RELATED VIOLENCE

EXAMINER ST. MALAPIT

ISABELA MAYOR ERLINDA DOMINGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with