Naharang sa checkpoint… 3 karnaper bulagta sa shootout
MANILA, Philippines - Napatay sa pakikipagbarilan sa mga otoridad ang tatlong lalaki na pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng carnapping gang na responsable sa nakawan ng mga motorsiklo kahapon ng madaÂling-araw sa San Pedro, LaÂguna.
Walang nakuhang anumang identification card sa bangkay ng mga suspek na ang dalawa ay namatay sa lugar ng barilan, habang ang isa ay dead-on-arrival sa Amante Hospital.
Batay sa ulat, bago naganap ang barilan dakong ala-1:30 ng madaÂling-araw sa New Avenue, Brgy. GSIS ng bayang ito matapos na maglatag ng checkpoint ang mga otoridad.
Bago ito ay hinarang ng tatlong suspek na magkakaangkas sa motorsiklo ang motoristang si GeroÂnimo Layug Jr. 25-anyos, waiter sa kahabaan ng Pacita Complex 1, Brgy. San Vicente, San Pedro dakong ala-1:00 ng madaÂling-araw.
Ang biktima ay kasalukuyang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo nang bigÂlang may tumawag sa cell phone nito kaya napilitang huminto sa lugar na siya namang paglapit dito ng mga suspek na sakay rin ng motorsiklo.
Agad tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktima at kinuha ang cell phone saka puwersahang tinaÂngay ang minamaneho nitong motorsikÂlo.
Nagsuplong ang biktima sa PoliÂce Community Precint South sa nasabing lugar na agad namang hinabol ang mga suspek hanggang sa maharang sa checkpoint na kung saan ay nagkaroon ng barilan.
Napag-alaman din na ang mga suspek ang nambiktima kay San Pedro Assistant Provincial Prosecutor Jose de Leon na tinangay rin ang cell phone at motorsiklo matapos harangin.
Nakuha sa pinangyarihan ng shootout ang dalawang motorsiklo, isa rito ay pag-aari ng biktimang si Layug, isang mobile phone na pag-aari ng biktima, dalawang piraso ng cal .38 revolver, isang 22 caliber revolver, 3 basyo ng bala ng nasabing armas at 18 pang basyo ng bala ng hindi pa natukoy na baril.
- Latest