Operator nahati ang katawan sa sumabog na makina
MANILA, Philippines - Nahati ang katawan ng isang machine operator habang apat nitong kasama ang nasa kritikal na konÂdisyon matapos na sumabog ang isang makina sa paggawa ng gulong kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Bonbong Danding, 36, residente ng nabanggit na lugar. Habang nasa kriÂtikal na kondisyon sa VaÂlenzuela General HospiÂtal sina Segundo EnriquiÂto, 34; Nedie Espinueva, 25; Reynaldo Espinosa, 32 at isang inaalam ang pagkaÂkakilanlan na pawang mga manggagawa ng Pilipinas Tire Rubber CorporaÂtion, na matatagpuan sa Colon Industrial Subdivision, Tatalon St., Barangay Ugong ng lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga habang nagtatrabaho ang mga biktima ay biglang sumabog ang isang makina sa paggawa ng gulong.
Dahil malapit si DanÂding sa sumabog na makina ay ito ang grabeng napuruhan na kung saan ay tumama ang takip ng makina kaya’t nagkahiwalay ang ibang parte ng kaÂtawan at naputulan pa ng paa.
Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng maluwag ang pagkaka-lock ng takip ng makina kaya’t nang ma-over pressure ay sumabog ito.
- Latest