MANILA, Philippines - Nagduwelo sa patalim ang bago pa lamang magkumpare na sina Lino Fabe, 63 at Alfredo Alpersula, 45 na hindi nagkaunawaan habang nag-iinuman sa handaan ng binyagan kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Nasawi si Fabe, 63, sanhi ng tinamong malalim na saksak sa kaliwang dibdib. Habang kritikal sa Philippine General Hospital ang nakaduwelong si Alpersula na nagtamo ng malalim na tama ng saksak sa sikmura.
Nabatid na kapwa nag-ninong sa isang binyagan ang dalawa sa anak ng isa nilang kaibigan sa Brgy. Sto. Niño at habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa duwelo ng panaÂnaksak.