6 Pinoy todas sa Algeria hostage
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Asec. Raul Hernandez sa isang pulong-balitaan base sa ulat ng Philippine Embassy team na ipinadala sa Algeria at Embahada sa London ay may anim na overseas FiÂlipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa In Amenas gas plant sa Sahara ang kasama sa 80 plant workers na nasawi mula sa atake ng Islamist militants noong Miyerkules habang apat pang Pinoy ang nawawala
Sinabi ni Hernandez, ang anim na Pinoy na nasawi ay nagmula sa Japanese companies bunsod ng tinamong maraming tama ng bala sa katawan mula sa bombang sumabog.
Ipinapaalam na ng DFA sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas ang pagkasawi ng anim.
Hindi pa matukoy ng DFA kung sadyang pinatay ng mga Islamists kidnappers ang mga hostages o nasawi sa rescue at assault operations ng Algerian security forces na nagtapos noong Sabado.
Natagpuan ang karagdagang 25 hostages na pawang mga patay noong Linggo sa isang bahagi ng gas plant.
May 30 dayuhang manggagawa pa ang patuloy na pinaghahanap na kinabibilangan ng apat na Pinoy, at mga Americans, British, French, Japanese, Norwegian at Romanian nationals.
Dahil dito, posibleng umakyat pa umano ang bilang ng mga nasawi sa insidente.
Magugunita na karaÂmihan sa mga hostages ay sinabitan o sinuotan ng bomba ng mga Islamists militants sa kasagsagan ng hostage-taking sa gas plant.
- Latest
- Trending