^

Police Metro

VFA rebyuhin - Solon

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihiling ng isang mambabatas sa administrasyon Aquino na muling rebyuhin ang  Visiting Forces Agreement (VFA) matapos ang pagsadsad ng isang barko ng Estados Unidos sa  Tubbataha reefs natural park.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na ang kanyang kahi­lingan at panawagan upang rebisahin ang VFA ay hindi para ibasura ito tulad ng isinusulong ng ilang grupo kundi paniniguro lang na narerespeto ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ni Nograles, layunin ng pag review na maitama ang alinman probisyon sa VFA na taliwas sa soberenya at environmental laws ng bansa.

Nais din malaman ng kongresista kung bakit may US Navy ship sa Tubbataha reefs at bakit ito sumadsad.

Giit pa ni Nograles na dapat tumulong ang US sa pagsasaayos na nasirang coral at iba pang yamang dagat sa pinagsadsaran ng kanilang barko.

AQUINO

AYON

DAVAO CITY REP

ESTADOS UNIDOS

HOUSE ASSISTANT MINORITY LEADER

KARLO ALEXEI NOGRALES

NOGRALES

TUBBATAHA

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with