^

Police Metro

Tsinoy huli sa shabu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Chinese-Filipino national ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (QCPD-SOTG) matapos makuhanan ng tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kahapon.

Kinilala ni Senior Insp. Roberto Razon, hepe ng QCPD-DAID, ang suspek na si Xiong Chen, 49, naninirahan sa # 1883, J. Abad Santos, Tondo Manila.

Si Chen ay nakuhanan ng isa’t-kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyong piso.

Ayon  kay Razon, isang linggong tinugaygayan ng tropa ng DAID ang nasabing suspek base na rin sa tip ng isang chinese informant hingil sa pagbebenta nito ng shabu sa lugar ng Manila, partikular sa Binondo.

Nakipagtransaksyon ang mga awtoridad sa suspek sa pamamagitan ng pagbili ng kalahating kilo ng droga, gamit ang isang poseur buyer ng DAID.

Nagkasundo ang suspek at poseur buyer na magpalitan ng items sa Banawe, corner Maria Clara Sts, Quezon City ganap na alas-2:15 ng hapon.

Aktong iniaabot umano ng suspek ang droga sa buyer nang lumabas ang mga awtoridad at arestuhin ito.

vuukle comment

ABAD SANTOS

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK GROUP

ISANG CHINESE-FILIPINO

MARIA CLARA STS

QUEZON CITY

ROBERTO RAZON

SENIOR INSP

SI CHEN

TONDO MANILA

XIONG CHEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with