Trak sinalpok ng jeep: 2 todas, 15 sugatan
MANILA, Philippines - Isang pampasaherong jeep ang sumalpok sa nakaparadang 10 wheeler truck na ikinasawi ng dalawang babae habang 15 naman ang nasugatan naganap kamakalawa ng gabi sa highway sa Brgy. Juan Climaco Sr., Toledo City, Cebu.
Isa sa mga namatay ay kinilalang si Rosemary Bangkok, 44-anyos, residente ng lungsod habang inaalam ang pangalan ng isa pa.
Dinala naman ang 15 nasugatan sa Toledo District Hospital bago ang mga ito inilipat sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.
Batay sa ulat ng pulisÂya, bandang alas-7:00 ng gabi ay binabagtas ng pampasaherong jeepÂney na minamaneho ni Edelmar Alester, 29-anyos nang aksidente itong bumangga sa nakaparaÂdang 10 wheeler truck sa tabi ng highway.
Nabatid na masyado umanong mabilis ang takbo ng jeepney at hindi nakita ang nakaparadang truck kaya’t tuloy-tuloy itong sumalpok.
Magugunita na kamaÂkailan lamang ay 11 katao ang nasawi habang 48 naman ang nasugatan makaraang araruhin ng isang trailer truck ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Uling, Naga City, Cebu.
- Latest