Magkaibigan nakipagkita kay Kamatayan
MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang magkaibigan na ang kanilang pakikipagkita sa isang drug pusher ang magiging dahilan ng kaÂnilang kamatayan matapos na sila ay pagÂbaÂbarilin kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Ang mga biktima na naÂÂtagpuang patay ay nakilalang sina Melvin Torredes, 33, may-asawa, nakatira sa #3298 Pateros St., Barangay Olympia at Nicko Presno, 29, ng Block 100, Lot 3, Jacinto St., Barangay Rizal, kapÂwa na tadtad ng mga bala ang iba’t ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatagpo ng magkaibigan na nakiÂlalang si Rhey Paul Ginez “alias Revoâ€, isa umanong tulak ng droga.
Sa salaysay ni Marife De Jesus, na nakatanggap ng text ang kanyang live-in na si Torredes mula kay Presno, na maÂkikipagkita sa kanila si Ginez.
Iyon na ang huling naÂkitang buhay ni De Jesus ang live-in partner.
Patuloy ang imbestiÂgasÂyon kung may kinaÂlaÂman sa droga ang moÂtibo ng pagÂpatay sa magÂkaiÂbiÂÂgan.
- Latest