3 kidnaper tiklo, bata nasagip
MANILA, Philippines - Isang 10-anyos na batang lalaki ang matagumpay na naiÂligtas ng pinagsanib na elemento ng PNP-Anti Kidnapping Task Group (PNP-AKG) at ng lokal na pulisya kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong kidnapper sa rescue operation sa Tayabas City, Quezon kahapon ng madaling araw.
Ang tatlong naarestong kidnaper ay nakilalang sina Emerson Ocado, Rhoderick Abella at Bryan Abella. Habang ang nasagip na biktima ay nakilalang si Jhostine Carino, elementary pupil.
Base sa ulat ni Sr. Supt. Renato Gumban, Acting Director ng PNP-AKG, bandang alas- 2:00 ng madaling-araw nang lusubin ng mga otoridad ang hideout ng mga kidnapper sa Brgy. Ilayan Baguio sa lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay diÂnukot ng mga armadong suspek sa Luisiana, Laguna noong Enero 10 ng taong ito.
Una nang humingi ng P500,000 ransom demand ang mga kidnapper sa pamilya ni Carino na naibaba sa P300,000 at nagkatawaran pa kung saan ay nagbayad ang mga magulang ng biktima na ang pinakahuling ibinigay ay P65,000 sa mga kidnapper, pero hindi pa pinakawalan ang bata.
Dito na dumulog ang paÂmilya Carino sa PNP-AKG at ikiÂnasa ang operasyon laban sa grupo ng mga kidnappers na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
- Latest