^

Police Metro

Modus ng sindikato sa PCSO nabunyag

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabunyag na may sindikato na kumikilos sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mabilisang  pagre-release ng  hospital guarantee na may katumbas na malaking halaga matapos na madakip ang isang 34-anyos na lalaki na nagsisilbing fixer sa pagkuha ng financial support ng mga nangangailangang pasyente.

Ang suspek ay nakilalang si Bienvenido Artano, residente ng Quezon City na dinakip ng mga tauhan ng intelligence security ng PCSO matapos ireklamo ng isang babae hindi muna pinangalanan.

Nabatid na ang suspek ang nagprisinta na tutulong sa pro­seso ng mga papeles na rekisitos sa paghingi ng financial/medical  support  sa PCSO  at ilalapit umano sa tauhan ng ahensiya.

Tinakot umano ang biktima ng suspek na hindi lalabas ang pera hangga’t di naibibigay ang 40 porsyento bilang komisyon o may katumbas na P40,000.

Kung hindi umano magbibigay ay maaring mabalewala ang inisyung letter of guarantee, na dahilan para hindi makuha ang claim.

Iimbestigahan din ng pulisya ang isang Genesis Madrid, social worker ng PCSO, na sinasabing nakasabwat ng suspek, dahil na­gagawan umano ng paraan nito na mailabas ang hospital guarantee na iniisyu ng PCSO na may halagang  P100,000 sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa PCSO ay hanggang P75,000 lamang ang sagad na halaga na nailalabas, at umaabot pa hanggang isang linggo ang pagproseso.

AYON

BIENVENIDO ARTANO

GENESIS MADRID

IIMBESTIGAHAN

NABATID

NABUNYAG

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with