^

Police Metro

Sinibak na Calabarzon chief kakasuhan sa ‘Atimonan 13’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ng  administratibo at kriminal ang sinibak na si CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Director P/Chief Supt. James Melad kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng “Atimonan 13” naganap  noong Ene­ro 6.

Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima na bagaman wala sa aktuwal na ope­rasyon si Melad ay lumagda naman  ito sa “Coplan Armado” upang isagawa ang ope­rasyon laban sa grupo ng umano’y lider ng gun for hire na si Vic Siman.

Una nang inamin ni Melad na inaprubahan niya ang operasyon bagaman hindi naman nalalaman ang mga nakalagay sa rekomendasyon ni Sr. Supt. Hansel Marantan, Deputy Chief for Intelligence ng PRO IV-A team leader ng grupo na nagsagawa ng checkpoint na nauwi sa madugong shootout na pinagdududahang rubout na ‘overkill’ pa ayon sa lumilitaw sa imbestigasyon.

Ayon kay Purisima na si Melad, ay may pananagutan sa isyu ng command responsibility partikular na sa “case operation plan” matapos na pirmahan ang Coplan Armado laban sa grupo ni Siman, umano’y operator ng illegal na gambling na bookies.

Magugunita na kabilang rin sa nasawi sa Ati­monan 13 bukod sa target na si Siman, ay si Sr. Supt. Alfredo Consemino, Group Director ng Police Regional Office (PRO) IV-A, dalawang police security escort nito, dalawang sundalo ng Phi­lippine Air Force at ang environmentalist na si Jun Lontok.

AIR FORCE

ALFREDO CONSEMINO

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

COPLAN ARMADO

DEPUTY CHIEF

DIRECTOR P

MELAD

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with