^

Police Metro

Turn over of command sa liderato ng AFP nahaluan ng komedya

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahaluan ng katata­wanan ang naganap na turn over of command sa liderato ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) kung saan ay na-wow mali si outgoing AFP chief Jesse Dellosa nang tawagin nitong Pa­quito Diaz si Executive Secretary Pacquito Ochoa Jr. sa kabila na may handa itong speech.

Nagtawanan ang mga dignitaries sa stage sa Camp Aguinaldo kabi­lang sina Pangulong Be­nigno Aquino III at Executive Secretary Pac­quito Ochoa Jr.

Nang maramdaman ni Dellosa na mali ang kan­yang nasabi ay biglang nasabi na lamang nito na “mali ata”.

Nagretiro na si Dellosa matapos na abutin nito ang mandatory retirement age na 56 at ang pumalit naman sa kanya ay si in­co­ming AFP chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista na commanding general ng Philippine Army (PA).

Pinagkalooban na­man ni Pangulong Aqui­no ng Legion of Honor award si Dellosa at uma­asa na sa ilalim ng li­de­rato ni Bautista ay la­­long mananatili ang dig­ni­dad at dedikasyon sa pag­si­silbi sa taumbayan ang mga sundalo upang ma­­ka­­mit ang minimithing ka­payapaan.

 

ARMED FOR

CAMP AGUINALDO

DELLOSA

EMMANUEL BAUTISTA

EXECUTIVE SECRETARY PAC

EXECUTIVE SECRETARY PACQUITO OCHOA JR.

JESSE DELLOSA

LEGION OF HONOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with