^

Police Metro

Ikalawang stroke nakaamba kay Miriam

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung hindi titigilan ang pulitika at papasok sa pag­babalik ng sesyon ng Senado sa Lunes ay posible anyang makaranas ng ika­lawang stroke si Senator Mi­riam Defensor-Santiago.

Ito ang ginawang babala ng kanyang mga doktor batay sa ipinadalang  state­ment ng tanggapan ni San­tiago.

Nabatid na dalawang doktor ang nagpayo sa senadora na huwag mag-report sa Senado sa Lunes at huwag na munang makinig ng mga balitang pulitikal.

Inihayag kamakalawa ng tanggapan ni Santiago na pumutok ang ugat sa kanang mata nito dahil sa taas ng blood pressure.

Umabot umano sa 184/­100 ang blood pressure ni Santiago nang gumising ito noong Huwebes ng umaga.

Inihayag naman ni Dr. Rodolfo Chuanico, ophthal­mologist ni Santiago na ang blood clot sa mata nito ay isang warning na kung tataas muli ang  kanyang blood pressure ay posibleng magdulot ng stroke.

Ayon pa kay Chuanico, ang pagputok ng ugat sa mata ng senadora ay indikasyon na nagkaroon ito ng mild stroke matapos ang TV interview noong Huwebes pero suwerte lamang umano na ang stroke ay tumama sa mata at hindi sa utak ng senadora.

Matatandaan na na­ging matindi ang palitan ng mga maaanghang na sa­­lita sa pagitan nina Se­nate President Juan Ponce Enrile at Santiago at maging ni Senator Panfilo Lacson nang kuwestiyunin ng senadora ang pamamahagi ng karagdagang MOOE o maintenance and other operating expenses ng lider ng Senado.

Ipinaalala umano ni Dr. Esperanza Cabral, dating director ng Heart Center kay Santiago ang medical history ng pamilya nito kung saan dalawang nakaba­batang kapatid na lalake ng senadora ay magkahiwalay na namatay sa heart attack habang sila ay natutulog.

 

DR. ESPERANZA CABRAL

DR. RODOLFO CHUANICO

HEART CENTER

HUWEBES

INIHAYAG

PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENADO

SENATOR MI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with