^

Police Metro

Nawalan ng preno… Trak vs bus: 10 todas, 40 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aksidente umanong nawalan ng preno ang isang trai­ler truck kaya’t nasalpok ang ka­salubong na pam­pasahe­rong bus na ikinasawi ng 10 katao at pagkasugat ng 40 iba pa, naganap kamakalawa sa bulubundu­king bahagi ng highway ng Sitio Gaway-Gaway, Brgy. Uling, Naga City, Cebu.

Ang mga namatay ay kinilalang sina Antonio Omagay, driver ng trailer truck (GUF-405 ) at  siyam pang mga pasahero ng Calvo Bus Li­ner  (GWH-253) na kinilalang sina Lyle Carmita, 5; Emmanuel Gaudisi, 28; Almera Pamandanan, 36; Caye­tana Fernandez; Dionny  Pajamutan; Melvin Constanilla; pawang nasa hustong gulang, Lilita Etang, 51, Julie Pajamutan, nasa hustong gulang at isang di pa nakila­lang lalaki na tinatayang 21-anyos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Dionisio Trumata ng Naga City Police, lima sa mga biktima ay namatay noon din sa  lugar ng pinangyarihan kabilang si Omagay habang lima naman ang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Batay sa ulat, bandang alas-4:45 ng hapon ay binabagtas ng Prime Mover Trailer truck (GUT 405) na minamaneho ni Omagay ang nasabing lugar nang bigla na lamang itong mawalan ng preno sa matarik at pakur­badang highway.

Tuluy-tuloy nitong si­nalpok ang kasalubong na bus na minamaneho ni Jimmy Limoran na galing Cebu City at patungong Toledo City na may sakay na 56 katao.

Nakaladkad ng 15 met­ro at  sa lakas ng pagkakabangga ay nahulog pa sa isang malalim na kanal sa tabi ng highway habang ang trailer truck ay sumal­pok pa sa isang puno ng mangga kung saan naipit ang katawan ni Omagay na siya nitong ikinamatay.

Isinugod naman sa Carmen Copper Hospital sa Brgy. Don Andres Soriano ng lungsod ang mga nasugatang biktima kabilang ang 34 pasyente na dinala sa Don Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga o­toridad sa kasong ito.

 

vuukle comment

ALMERA PAMANDANAN

ANTONIO OMAGAY

BRGY

CALVO BUS LI

CARMEN COPPER HOSPITAL

CEBU CITY

DIONISIO TRUMATA

OMAGAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with