^

Police Metro

Sa panibagong ‘shootout’… PNP General, 24 pa sinibak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaugnay ng pagkakapatay sa isang tauhan ng pinaghihinalaang jueteng kingpin na si Vic Siman sa isang shootout sa San Juan, Batangas kamakalawa ay sinibak na kahapon ni Interior and Local Government Secretary  Mar Roxas II ang police general na hepe ng  CALABARZON Police, apat pang opisyal at mahigit 20 operatiba ng pulisya.

Sinabi ni Roxas na nawalan na ng tiwala si Pangulong Aquino kay Police Regional Office (PRO) IV-A  Chief Supt. James Melad dahilan sa malalaking insidente na magkakasunod na naganap sa hurisdiksyon nito kaya sinibak sa puwesto.

Bukod kay Melad, kabilang pa sa mga sinibak ay sina Batangas Provincial Police Office (PPO ) Supt. Rosario Acio, SWAT team leader Supt. Raul Tacaca, Chief Inspector Rodolfo Ama, Chief ng Provincial Public Safety Company (PPSC) at San Juan Chief Supt. Elpidio Ramirez.

Iniutos na rin ni Roxas  ang  masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Fernando Morales alyas Pandoy sa operasyon sa bayan ng San Juan dakong ala-1:30 ng mada­ling araw.

Si Pandoy ay isa sa mga tauhan ni Siman, ang umano’y pinaghihinalaang jueteng kingpin na kabilang sa 13 kataong napatay sa kuwestiyona­bleng shootout na umano’y rubout sa checkpoint sa  Maharlika highway, Brgy.Lumutan, Atimonan, Que­zon noong Enero 6.

Nabatid na si Pandoy ay kolektor ni Siman sa illegal nitong operasyon ng bookies sa Calamba City at iba pang lugar sa Laguna na ang bolahan ay ginagawa sa Mt. Banahaw.

Ayon pa kay Roxas na kuwestiyonable ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa kasong illegal possession of firearm laban kay Pandoy dahilan isinagawa ito ala-1:30  ng madaling-araw nitong Lunes.

Ayon pa sa kalihim, hindi na-contain ng mga operatiba si Morales na kailangan pang humantong sa kamatayan nito.

Sa pahayag ng misis ni Pandoy, hinila umano palabas ng kanilang bahay ang kaniyang mister at ilang saglit pa ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril  kung saan nagulat na lamang siya nang makitang patay na at duguang nakabulagta ang asawa.

Idinagdag pa ni Roxas na ang pagsibak kay Melad at lahat ng mga opisyal ay kaugnay sa iniutos nitong imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ni  Pandoy.

Naghihinala naman ang pamilya Morales na may kinalaman sa Quezon shooting ang pagpatay sa biktima.

AYON

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

CALAMBA CITY

CHIEF INSPECTOR RODOLFO AMA

CHIEF SUPT

PANDOY

ROXAS

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with