^

Police Metro

Enriile kay P-noy: Kasambahay bill pirmahan na

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga ka­sambahay sa pagsasabatas ng tinatawag na “Kasambahay Bill.”

Ito ang naging panawa­gan ni Cagayan Rep. (1st District) Juan “Jack” C. Ponce Enrile Jr. kay Pa­ngulong Benigno Aquino III. 

“To begin with, Pres. Noy Aquino should be lauded for his political will in pushing for the enactment into law of two controversial measures, the ‘Sin Tax Law’ and the ‘RH (reproductive health) Law’ that he firmly believed would ultimately result to the benefit of the greater number of our people.

 â€œAlong this line, Pres.Aquino would be further demonstrating his concern to the poorer members of our society if he signs into law, the ‘Kasambahay Bill’ that was already approved by both chambers of Congress and is now just waiting for his signa­ture,” ayon kay Enrile.

Sinabi pa nito na sa ka­bila nang pagratipika ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Senado mahigit isang buwan na ang nakakaraan ay hindi pa rin ito napipirmahan upang maging ganap na batas.

Sakaling mapirmahan ng pangulo ang bill bilang batas, ay humigit ku­mu­lang tatlong milyong ka­sambahay ang kagyat makikinabang sa mga benepisyo.

Nakapaloob sa bica­meral report na isinumite sa Malacañang ang pagta­takda ng minimum wage na P2,500 kada buwan sa Metro Manila, P2,000 sa mga nasa chartered cities at first class municipalities habang P1,500 minimum na sahod naman kada buwan sa iba pang munisipalidad.

 Sa unang termino ni Enrile noong ika-11 Kong­reso ay siya ang unang naghain ng naturang bill na naglalayon iangat ang antas ng mga “household hel­pers”.

 

BENIGNO AQUINO

CAGAYAN REP

ENRILE

KASAMBAHAY BILL

MABABANG KAPULUNGAN

METRO MANILA

NOY AQUINO

PONCE ENRILE JR.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with