^

Police Metro

BOC officials binalasa

Butch Que­­jada, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng pagsasaayos ng serbisyo sa Bu­reau of Customs (BoC) ay sinimulan na ni Custom Commissioner  Ruffy Bia­zon ang pagbalasa sa kan­yang  mga  opisyal.

Nabatid na inilipat bilang collector ng Cagayan De Oro port kapalit ni Anju Castigador si Atty. Lourdes Mangaoang na dating may hawak ng x-ray inspection project sa Manila International Container Port (MICP).
Si Castigador ay inilagay sa Office of the Commissioner habang si Carmelita Talusan  naman na galing sa Subic Bay Free Port, ang bagong pinuno ng X-ray Inspection Project kapalit ni Mangaoang.

Pumalit naman kay Talusan sa Subic si Adelina Molina na dating chief of staff sa Office of the Commissioner na pinalitan naman ni Atty. Geniefelle Lagmay.

Ibinalik sa Clark International Airport si Cebu District Collector Ronnie Silvestre at pinalitan ito ni Edward Dela Cuesta.

Kabilang din sa mga binalasa ang mga opisyal ng Port of Manila, Administrative, Assessment Operations at Risk Management Office.

Ayon pa kay Biazon, muling magkakaroon ng balasahan pagkatapos ng eleksiyon kung kaya’t pinayuhan nito ang kanyang mga tauhan na pagbutihin ang ka­nilang trabaho at hindi umano ito mangingimi na magtanggal ng kanyang mga tauhan hanggang hindi magiging maayos at epek­tibo ang mga programa ng ahensiya.

ADELINA MOLINA

ANJU CASTIGADOR

ASSESSMENT OPERATIONS

CAGAYAN DE ORO

CARMELITA TALUSAN

CEBU DISTRICT COLLECTOR RONNIE SILVESTRE

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

CUSTOM COMMISSIONER

OFFICE OF THE COMMISSIONER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with