Sa unang araw ng pagpapatupad sa gun ban… Tserman tinodas sa piyesta
MANILA, Philippines - Isang incumbent baÂrangay chairman ang nasawi nang ito ay pagbabarilin sa isang piyestehan kasabay ng pagpapatupad sa gun ban sa pagsisimula ng election period naganap kamakalawa ng gabi sa San Pablo, Isabela.
Ang nasawing biktima dahil sa dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo ay nakilalang si Victor AcoÂba, 43-anyos, chairman sa Brgy. San Vicente ng bayang ito.
Sa ulat na nakarating kay Sr. Supt. Franklin MaÂbanag, Provincial Police Office (PPO) Director ng Isabela bandang alas-10:30 ng gabi ay kasaluÂkuyang nasa loob ng Delfin Albano Hall, Brgy. PobÂlacion Centro, ang bikÂtima at nakikipagsayaw sa piyestahan.
Dito ay humalo umano ang suspek sa kasiyahan ng kumpol ng mga tao at nilapitan ang biktima.
Pagkalapit sa biktima ay bumunot ang suspek ng kanyang baril at pinagbabaril nang malapitan si Acoba na duguang bumagsak.
Mabilis namang tumaÂkas ang salarin na sinamantala ang pagpapanik ng mga nagpanakbuhang residente sa lugar.
Isa sa iniimbestigahan ng pulisya sa motibo ng krimen ay anggulo sa puÂliÂtika.
- Latest