P2-M reward sa gunman ni Nicole
MANILA, Philippines - Sinumang makakapagturo sa gunman ni Stephanie Nicole ay makakatanggap ng P2-milyong reÂward.
Ito ang inihayag kahaÂpon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang layunin ay mabigyan ng agarang hustisya ang biktimang si NiÂcole.
Naunang nagbigay ng P400,000 bounty sina Caloocan City Mayor ReÂcom Echeverri at Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian para sa makakapagturo sa gunman ni Nicole.
Inilibing kamakalawa ang 7-year old na si Nicole sa Norzagaray, Bulacan. Tinamaan ng stray bullet sa ulo si Nicole noong BaÂgong Taon sa labas ng kanilang bahay sa Tala, Caloocan City.
Sinabi ni Valte, ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang dialogue sa RMN executives sa PaÂlasyo.
Magugunita na nanoÂnood lamang ng mga fireÂworks ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng tamaan ito ng stray bullet hanggang sa bumagsak itong duguan.
Batay sa pagsisiyasat ng mga forensic expert ay nasa 50 metro ang layo mula kay Nicole ang hindi nakilalang nagpaputok ng baril.
- Latest