^

Police Metro

10 mahahalagang pangyayari na naganap ng Enero 13

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MANILA, Philippines - ALAM n’yo bang may 10 mahahalagang pangyayari na naganap ng ENERO 13?

Heto ang 10 pangyayaring iyon:

1. Noong Enero 13, 1930, unang lumabas ang cartoon na “Mickey Mouse”.

2. Noong Enero 13, 1610, nadiskubre ni Galileo Galilei ang Callisto, pang-apat na moon ng Jupiter.

3. Noong Enero 13, 1942, inumpisahan ni Henry Ford ang method na paggamit ng plastic sa kaha ng kotse.

4. Noong Enero 13, 1942, unang ginamit ang aircraft ejection seat sa Germany.

5. Noong Enero 13, 1964, naging arch­bi-­­­­

s­hop si Karol Wojtyla ng Krakow, Poland. Noong 1978 siya ang napiling Pope at pinangalanang Pope John Paul II.

6. Noong Enero 13, 1969, ni-release ng Beatles ang “Yellow Submarine”.

7. Noong Enero 13, 1995, nadiskubre ng Philippine authorities ang balak na pagpatay kay Pope John Paul II habang bumibisita ito sa bansa.

8. Noong Enero 13, 1999, inihayag ni Michael Jordan ang kanyang retirement sa ika­lawa at huling pagkakataon.

9. Noong Enero 13, 2011, nilinaw ni President Benigno Aquino III na personal niyang pera ang ipi­nambili sa Porsche sports car at hindi ito galing sa kabang yaman ng bansa. Sinabi ni Aquino sa media interview na ipinalit lamang niya ang kanyang 2007 model niyang BMW sa Porsche sports car.

10. Noong Enero 13, 2003, itinatag ang pahayagang PangMasa (PM). Labing-anim na pahina at nagkakahalaga ng P6.00. Ang banner story ay “20,000 TERORISTA AATAKE”.

 

ENERO

GALILEO GALILEI

HENRY FORD

KAROL WOJTYLA

MICHAEL JORDAN

NOONG

NOONG ENERO

POPE JOHN PAUL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with