^

Police Metro

Isang dekada na: Sa kabila ng krisis, PM matatag!

Grace Amargo-Dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napakabilis lumipas ng panahon, hindi mo namamalayan na nakaka-sampung taon na pala ang Pang-Masa (PM). Naisapubliko ang diyaryong ito noong Enero 13, 2003. Ayon sa editor-in-chief na si Al Pedroche, naipanganak ang PM dahil sa pagnanais ng butihing president at CEO nito na si Ginoong Miguel G. Belmonte na mas mapaglingkuran pa ang masang Filipino sa pamamagitan ng paghahatid ng tama at napapanahong balita at impormasyon.

Kaya naman kung mapapansin sa mga naging unang labas ng diyaryong ito, mas inilalabas ang mga kababalaghang istorya dahil ito ang hinahanap ng masa.

Dahil sa puso ng masa ang patuloy na inaabot ng diyaryong ito, hindi naging mahirap para sa PM ang umangat at manatili sa industriya ng media. Sa loob ng 10 taon ay naging makabuluhan ang partisipasyon ng PM sa buhay ng masang Filipino dahil sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa mga ito.

Dumaan na din ang krisis sa ekonomiya, ngunit malaki ang pagpapasalamat ng kabuuan ng kumpanyang ito sa Maykapal na patuloy na humawak dito at hindi natinag ng anumang pagsubok dito.

Hindi naman din talaga matatawaran ang mga nilalaman ng bawat pahina ng diyaryong ito dahil mula sa unang pahina hanggang sa pinakahuli nito ay pawang mga interesanteng impormasyon ang mababasa.

Gaya na lang sa pahina ni Ronnie Halos na naglalaman ng magagandang kuwento ng buhay na tiyak naman na kinapupulutan ng aral. May mga impormasyong ibinibigay ang Diklap para madagdagan ang kaalaman bilang haligi ng tahanan, maybahay, at single; habang sa Para Malibang naman mata­tagpuan kung ano ang nilalaman ng iyong kapalaran, mga kuwento ng pag-ibig at kababalaghang dala ng iyong panaginip.

Siyempre maiinit din ang mga balita sa Police Metro, Pang Movies at  PM Sports.

Pawang mga bago at pasabog ang laman ng mga nabanggit na pahina.

Hangga’t nagkakaisa ang mga empleyado ng diyar­yong ito sa paghahatid serbisyo sa masa ay mananatili itong nakatayo at mamayagpag sa industriyang ito. Malaki rin ang pagpapasalamat ng mga empleyado ng PM at Pilipino Star Ngayon kay G. Belmonte dahil sa pagiging mabuting employer nito.

Kasama ang buong staff ng editorial na pinangu­ngunahan ni G. Pedroche at mga editors na sina Jun Trinidad (Police-Metro); Ronnie Halos (Punto Mo); Salve Asis, Jhi Gopez (Asst. Editor), at Lanie Mate, (Editorial Assistant) (Pang Movies); Grace Amargo-Dela Cruz (Para Malibang); at Mae Balbuena (Sports).

Kabilang din sa editorial section ang mga Lay-out Artist  na sina Olive Reyes, Judy Serrano, Rommel Condino, Delfin Victoria, Greg Esplana, Luchi Quintana, Leslie Jylle Villena, June Santos, Rollie Villena, at ang mga magaga­ling na Proofreader na pina­ngungunahan ni Zaldy Relucio, kasama sina Jerry Madla, Angel Enriquez, Margie Ebio, Reymund Cruzana, at Ed Abuan.

Ganun din ang mga taga-CTP-Quezon City na sina Arnel B. Her­nandez at Bernie Vicen­te at ang mga copy monitors na sina Mario Geocada at Randel Reducto. Ang lahat ay bumabati, happy 10th year anniversary PM!!!

 

vuukle comment

AL PEDROCHE

ANGEL ENRIQUEZ

ARNEL B

BELMONTE

PANG MOVIES

PARA MALIBANG

RONNIE HALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with