^

Police Metro

31 na sangkot sa smuggling ng bigas kinasuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong smuggling ang  isinampa ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa 31 katao na  sangkot sa pagpupuslit ng libu-libong sako ng bigas sa pamamagitan ng Port of Legazpi City sa Bicol Region.

Ito ang inihayag ni Customs Commis­sioner Ruffy Biazon  na siyang nanguna sa pagsampa ng kaso sa 31 opisyal ng Kapatirang Takusa Multi Purpose Cooperative, Ugnayang Magbubukid ng San Isidro Cooperative, Malam Pampang Concern Citizen Multipurpose Coop at Samahang Magsasaka Kapampangan at Katagalugan Multipurpose Coop,  na nakabase sa apat na lugar ng Central Luzon tulad ng Bulacan at Pampanga na mga consignee ng 78,000 sako ng bigas mula sa Vietnam na nagkakahalaga ng  P93,600,000.

Batay sa ulat, ang nabanggit na kontra­bando ay dumaong sa Bicol port  noong Setyembre 2, 2012 ng walang sapat na dokumento gaya ng import permit na isang paglabag sa Sections 101 at  3601 ng  Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at lampas din sa quota ng rice importation ang ginawa ng apat na kooperatiba.

Gayunman sinabi ni Biazon na ka­nilang suportado ang layunin ng mga kooperatiba, subalit kailangan pa ring pairalin ang  regulasyon ng  kawanihan.

 

BICOL REGION

BUREAU OF CUSTOMS

CENTRAL LUZON

CUSTOMS COMMIS

DEPARTMENT OF JUSTICE

KAPATIRANG TAKUSA MULTI PURPOSE COOPERATIVE

KATAGALUGAN MULTIPURPOSE COOP

MALAM PAMPANG CONCERN CITIZEN MULTIPURPOSE COOP

PORT OF LEGAZPI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with