Dinukot noong Pasko, natagpuang patay noong Bagong Taon... Nene todas sa sex slave ng magpipinsan
MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang apat na magpipinsan na mahigit dalawang lingÂgong nagtago sa batas maÂtapos na dukutin noong araw mismo ng Pasko at halayin hanggang sa mapatay ang isang 9-anyos na batang babae na ang bangkay ay natagÂpuan sa isang silong ng bahay sa Brgy. San Lorenzo Ruiz 2, DasÂmaÂriñas City, Cavite.
Ang mga suspek ay kiÂnilalang sina Rodel Cubian, 23; kapatid nitong si Jayson Cubian, 20; mga pinsan na sina Kenneth DeÂliquena, 15 at Ryan DeÂlequena, 25, pawang residente ng Brgy.San LoÂrenzo Ruiz 1 at 2 na kaÂpitbahay lamang ng biktima.
Ayon kay P/Supt.UlysÂses Cruz, hepe ng puÂlisÂya na isang saksi ang lumantad at nagsasalaysay sa pulisya na nakita umano niya noong Araw ng Pasko na kinuha ng apat na suspek ang biktima na si Zosiemae Magluyan, grade 3 student at itinago sa isang bakanteng bahay na hindi kalayuan malapit sa tambakan ng basura.
Inamin ng mga suspek sa pulisya na halinhinan nilang hinalay ang bata habang ito ay nakagapos simula noong Pasko at naisipan lamang nila itong pakainin noong DisÂyembre 30, subalit hindi na ito kumain.
Huli nilang nakitang buhay ang bata noong Enero 2 ng umaga at kiÂnaÂhapunan ay hindi na ito gumagalaw kaya’t naÂpagdesisyunan nilang itapon ito sa tambakan ng basura na hindi kalayuan sa nasabing lugar.
Makalipas ang may 5 araw ay doon lamang natagpuan ang bata na makikita sa katawan na dumanas ito ng sobrang hirap dahilan para ito ay mamamatay.
Nabatid pa na naÂgaÂwa pa umanong maÂkipaglibing ng mga suspek sa biktima na kung saan ay doon din lumabas ang saksi sa pangyayari kaya’t naaresto ang mga ito.
- Latest