^

Police Metro

3 parak sinibak!

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinibak sa serbisyo ang tatlong pulis na sinasa­bing nagsisilbing ‘batik’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Kinilala ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina ang tatlong pulis na sina PO1 Jason Tiamson at PO1 Tristan Mariz Gutierez, kapwa nahaharap sa kasong robbery extortion at PO1 Ablason Gabriente, nahaharap sa kasong “infedility in the custody of prisoner”.

Ayon sa NCRPO, ini­reklamo sina PO1s Tiam­son at Gutierez ng Koreanong si Kim Byung Woo noong Hulyo 19, 2012 nang pasukin umano ng mga ito ang kanyang bahay at hanapan siya ng “business/license permit” sa kanyang negosyo.  Nang walang maipakita, hiningan umano siya ng mga pulis ng P20,000.

Tanging P6,000 lamang ang naibigay ni Woo kaya pinuwersa umano siya ng mga pulis na mag-withdraw sa kanyang ATM account ng karagdagang pera. Bukod sa salapi, tinangay pa umano ng mga pulis ang kanyang Olympus camera at Rayban sunglasses.

Si PO1 Gabriente ay sinibak naman dahil nakatasan siya ng presong kanyang binabantayan na kinilalang si Jenny Lazaro noong Abril 26, 2009.

ABLASON GABRIENTE

ABRIL

AYON

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

JASON TIAMSON

JENNY LAZARO

KIM BYUNG WOO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TRISTAN MARIZ GUTIEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with