^

Police Metro

Prusisyon ng Nazareno uulanin

Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng PAG­ASA ang mga sasama bukas sa prusisyon ng Itim na Na­zareno na magdala ng pa­yong dahil sa  makakaranas ng maulap na kalangitan na may pag-uulan sa Metro Manila.

Inaasahan ang may  6 hanggang 8 milyong bo­tante ang dadagsa sa Quiapo church ngayong Martes pa lamang ng gabi para sa prusisyon sa imahe ng Itim na Nazareno  sa Miyerkules sa iba’t ibang bahagi ng May­nila.

Samantala handa naman ang pamunuan ng  Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pagdagsa ng ma­ra­ming commuters dahil sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko.

Mas pinipili aniya ng mga deboto at regular na mananakay na sumakay sa LRT lalu na’t ito ang pina­kamabilis, pinakamura at pinaka-kumbinyenteng uri ng pampublikong transportasyon.

Ayon sa pagtala ng LR­TA, nabatid, na uma­bot sa 620,987 ang naging pasahero ng LRT Line 1 noong pista ng Itim na Nazareno noong nakaraang taon habang naitala naman ang pinakamaraming sumakay sa Line 1 at Line 2 noong ga­napin ang Iglesia ni Cristo bible exposition sa Lune­ta noong Pebrero 28 ng nag­daang taon kung saan  umabot sa 658,627 ang nai­talang sumakay sa Line 1 at 234,450 naman ang sumakay sa Line 2.

Kasabay nito, nilinaw naman ni City Administra­tor Jay Marzan na sinus­pinde ang mga klase bukas sa mga paaralang ma­apek­tuhan ng prusisyon kabilang ang A. Mabini Ele­­mentary School, Gero­nimo Santiago Elementary School , Ramon Avancena High School, Manila High School, V. Mapa High School, Araullo High School, City College of Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at  Manila Science High School.

Sa mga pribadongt eskwelahan na maapektuhan din ng prusisyon,  nais ni Manila Mayor Alfredo Lim na ang pamunuan ang magpasiya kung ikakan­sela nila ang klase.

ARAULLO HIGH SCHOOL

CITY ADMINISTRA

CITY COLLEGE OF MANILA

ITIM

JAY MARZAN

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MABINI ELE

MANILA HIGH SCHOOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with