PNP Chief: Quezon shootout ‘di rubout
MANILA, Philippines - Lehitimong shootout at hindi rubout tulad ng mga alegasyon ng mga kaanak ng 13 nasawi sa naganap na engkuwentro kamakalawa sa Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon.
Ito ang pinanindigan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Alan Purisima na at patunay nito ay nasugatan pa sa shootout ang isa nilang opisyal na si Supt. Hansel Manarantan ng Quezon Police.
Ginawa ni Purisima ang pahayag matapos na umalÂma ang mga kamag-anak ng mga nasawing suspek na nagsabing rubout umano ang pangyayari matapos na harangin sa checkpoint ang dalawang vehicle convoy ng kanilang mga mahal sa buhay na niratrat umano ng walang kalaban-laban.
Natukoy na kasamang nasawi si Supt. Alfredo Consemino, nakatalaga bilang Group Director ng Headquarters Support Service ng Police Regional Office PRO-IV B (MIMAROPA); SPO1 Gruet Alinea Mantuano; Armando Lescano ng Philippine Air Force’s Air Education TraiÂning Command; PO1 Jeffrey Valdez; Victorino Siman Atienza Jr.; Jerry Siman; ConÂrado Decillo; Victor GonÂzales; Jun Lontoc; Paul Teojilag; Jimbin Justiniani; Leonardo Marasigan at Staff Sergeant Maximo Pelayo na may ID ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
- Latest