^

Police Metro

US spy plane bumagsak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumagsak sa karaga­tan na nasasakupan ng Sitio Tacdungan,Ticao Island, San Jacinto, lalawigan ng Masbate ang isang unmanned aerial ve­hicle o spy plane na pag-aari ng Estados Unidos.

Nabatid na ang nasabing eroplano ay narekober ng mga mangingisdang sina Jolly Llacer at Ricky Cantoria habang palutang-lutang sa karagatan bandang alas-9:15 ng umaga.

Ayon kay Masbate Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Iriberto Olitiquit na bumagsak ang US Drone unmanned aerial plane sa bahagi ng natu­rang ka­ragatan na noong una ay inakala nilang isang uri ng bomba.

Nagresponde ang mga operatiba ng Explosives and Ordinance Team (EOD) team ng San Jacinto, Masbate Police at pagkatapos na masuri ay napatunayan na isang US made Dronean Unmanned Aerial Vehicle o spy plane.

Ilang markings pa ang nakita sa nagkapira-pirasong bahagi ng Drone tulad ng aerial target drone, BQM-74 E Chuckar III, part no. 89500-517, mo­del No. BQM 74 E, cage no. 77646, habang 12 talampakan at 11 inches (3.94 M), wingspan na limang talampakan at 9 inches, taas na 2 talampa­kan at iba pa.

vuukle comment

DIRECTOR SR. SUPT

DRONEAN UNMANNED AERIAL VEHICLE

E CHUCKAR

ESTADOS UNIDOS

EXPLOSIVES AND ORDINANCE TEAM

IRIBERTO OLITIQUIT

JOLLY LLACER

MASBATE POLICE

MASBATE PROVINCIAL POLICE OFFICE

SAN JACINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with