MANILA, Philippines - Bago ihatid sa kanyang huling hantungan ay ibuburol muna ang pitong taong gulang na biktima ng ligaw na bala na si Stephanie Nicole Ella sa kanyang pinapasukang iskwelahan sa Caloocan City sa darating na BiyerÂnes, Enero 11.
Hiniling ng principal at mga guro ng Tala Elementary School sa magulang ni Nicole na iburol muna doon ang batang biktima upang ipakita ang naging epekto ng walang pakundangang pagpapaputok ng baril noong Bagong Taon.
Ayon sa mga magulang ni Nicole, pansaÂmantalang ililipat ang burol sa iskwelahan ng kaÂnilang anak.
Pagsapit ng gabi ay daÂdalhin ang labi nito sa the Lord’s Flock Sanctuary Church sa Tala at mananatili itong nakaburol ng magdamag bago iliÂbing kinabukasan, araw ng Sabado sa Sanctuario de Paz sa Norzagaray, Bulacan.